top of page

About Mark Balido

Born in the Philippines, 1988
Studied Bachelor of Science in Geology
at the University of the Philippines Diliman

Ngayon ay nagtatrabaho bilang isang junior exploration geologist sa isang geothermal company sa Ortigas. Gustong-gusto n’yang sumubok ng mga bagong bagay tulad ng pagsulat ng mga maiikling kwento at mga tula, pagluluto, pagsubok ng mga bagong sports at extreme sports, pagigiging creative, at iba pa, kaya naman wala siyang nagagamay na kahit isa man lang sa kanila. Dahil sa hilig n’ya sa pagsusulat, siya ay nagbabalak na sundan ang mga yapak ni U Z. Eliserio na maging isang dakilang manunulat. Ang kanyang kasalukuyang hilig ay travel, photography at video-editing.

Sa kanyang mga kawalan ng ginagawa, siya’y nagsusulat ng blog at kumukuha ng mga litrato ng kung sinu-sino at ng kung anu-ano. Bilang isang manunulat ng blog, gumamit siya ng iisang pen name—ang the Markxist.  Ngunit dahil ngayon ay isa na siyang lisensyadong geologist, nagpalit-anyo ang kanyang pen name patungong Markschist (Markxist na dinugtungan ng isang klase ng bato para umayon sa kanyang kurso).

Siya ay nagtapos sa Philippine Science High School—Cagayan Valley Campus. Isa siyang tagahanga ng Heroes at Pokemon. Tagasubaybay siya ni Sarah Geronimo at ni Bea Alonzo, at ni Sam Pinto at ni Ha Ji-Won dahil sa King 2 Hearts at Secret Garden, at sa tawa at ngiti na din nya. Mayroon siyang buong DVD collection ng Maging Sino Ka Man. Paborito n’ya noon ang bughaw bilang kulay. Ngunit ngayon ay luntian na. Excited siya sa tuwing siya ay maggogrocery. Sa tingin n’ya, siya ay stingy, ngunit isa itong malaking kasinungalingan. Siya nga pala ay isang proud Ilokano. 


 

bottom of page